Tuesday, October 14, 2008

Moon Bear Surprise

Moon Bear Thanksgiving Event at pagbubukas ng Event Shop, ngayong Oct. 22 na!

May sorpresang darating ngayong October 22. Isa na rito ang pagdating ng cute na cute na Moon Bear na dadalaw sa RAN para mamigay ng Moon Lamp Headgear at Moon Bear Costumes! Basahin ang kwento at alamin kung paano!

Panahon na naman para sa Thanksgiving Feast ng mga diyos sa kalangitan. Ngayong taon, naatasan si Luna, ang diyosa ng buwan, na i-decorate ang hardin ng mga diyos kung saan gaganapin ang Thanksgiving Ball. Dahil sa likas na katamaran ni Luna, naisip n'yang utusan ang kanyang alagang oso na gawin ang kanyang trabaho. "Inilagay ko ang liwanag ng buwan sa mga lamparang iyan. Isabit mo sila sa bawat sulok ng hardin bago magsimula ang Thanksgiving Ball," ang bilin niya sa kanyang alaga. Agad na sumunod ang oso pero dahil hindi pa s'ya nakakarating sa hardin ng mga diyos, sinundan n'ya ang unang daan na kanyang nakita. Ang hindi n'ya alam, daan yun papunta sa mundo ng mga tao.

Ilang araw na lang bago ang Thanksgiving Feast pero hindi pa rin bumabalik ang oso. Dahil sa pag-aalalang baka tinakasan ng oso ang trabahong ibinigay n'ya rito, inutusan ni Luna ang kanyang bantay para hanapin ang kanyang nawalang alaga.

Tulungan ang bantay na hanapin si Moon Bear at magkaroon ng cute na cute na bagong headgear at costume!

Basahin ang mekaniks sa link na ito: http://ranonline.e-games.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=724&Itemid=1

No comments: